Sunday, August 10, 2008

Sa nabasa kong article masasabi ko,di ba sa mag-asawa ay normal naman sa kanila na magkaroon na mga anak.Dahil ito ay bahagi ng pag-aasawa.Nasa kanila yan kung magdaragdag sila ng maraming anak.Dapat bago sila magdagdag ng anak,dapat muna isipin nila kung mabuti ba ang pagdagdag ng anak,makikinabang ba sila o makadagdag lang sa gastusin ng pamilya.Kahit na malaki na ang ating populasyon ay kaya pa naman natin umunlad sa tulong ng teknolohiya,pag-iimpok at at ang magaling na lider.Dahil na rin sa kakayahan ng tao na gumawa ng imbensyon at inobasyon at gumamit na mga angkop na teknolohiya ay magagawa natin itong paunlarin at paramihin ang produksyon ng pagkain nang mabilis kaysa sa paglaki ng populasyon.Ayon din sa nabasa kong aklat,may isang ekonomista na si Simon Kuznet ay nagsasaad na may mabuting maidudulot ang malaking populasyon tungo sa pag-unlad ng isang bansa.Ayon din sa kanya,ang malaking populasyon daw ay paggagalingan daw ng maraming lakas-paggawa ng mahalaga sa isang bansa bilang salik ng produksyon.Dapat lang daw nating pag-ibayuhin ang ating pagiging produktibo ng mga kalahok sa produksyon at ang nakakaraming bilang ng produksyon.Ang malaking populasyon din ay may negatibong dulot sa atin,ito ay nagsisilbing banta sa atin ng unti-unting pagkaubos nang ating likas na yaman dahil na rin sa mali o di wastong paggamit nito.Kaya ang malaking populasyon ay nagdudulot ng pahihikahos,mababang kalagayan sa buhay,malnutrisyon at pagkasira ng ating likas na yaman at maraming tao ang mawawalan ng hanapbuhay o trabaho.

No comments: